Looking For Anything Specific?

Personal Assistant ni Piolo Pascual na Si Yaya Moi Malaki ang Pasasalamat sa Aktor Dahil Ito ang Naging Daan sa Pagbubukas ng Napakaraming Oportunidad sa Kanyang Buhay

Napakaraming mga sikat na artista ang ating iniidolo at hinahangaan, at ito ay dahil na rin sa kanilang iba’t ibang mga nakakahangang katangian, galing at husay pagdating sa larangan ng pag-arte.

Ang mundo ng showbiz ang kanilang ginagalawan, at isa nga sa mga artista na maraming humahanga at umiidolo ay ang aktor na si Piolo Pascual o mas kilala ng publiko bilang si ‘Papa P.’

Si Piolo Pascual o sa tunay na buhay ay kilala bilang si Piolo Jose Nonato Pascual ay isa sa mga personalidad sa showbiz na hinahangaan bilang isang aktor, mang-aawit, modelo, endorser at prodyuser.

Siya ay tunay na iniidolo ng marami, mga kabataan man o matatanda, dahil sa kanyang angking kagwapuhan at tikas na panganagtawan na taglay niya noon pa mang bata pa siya at kahit ngayon na siya’y nasa 44-taong gulang na.

Sa tagal na ng aktor sa industriya ng showbiz ay tunay na napakalayo na ng kanyang narating, kaya naman masasabi natin na isa na siya sa mga beteranong aktor sa industriya.

Samantala, dahil sa angking kagwapuhan, pagiging matikas at husay sa pag-arte ni Piolo ay maraming mga aktor at aktres ang nangangarap at umaasang siya’y makatrabaho balang araw.

Ngunit alam niyo ba na mayroong isang tao na araw-araw na natutupad ang hiling ng marami na makasama at makatrabaho ang isang Piolo Pascual, at ang tao ngang ito ay walang iba kundi ang personal assistant ni Papa P na si Yaya Moi.

Normal na sa isang artista ang magkroon ng P.A o personal assistant, kung saan ito ang nag-aasikaso at tumutulong sa kanila sa set o di kaya naman ay sa backstage kapag sila ay may shoot o taping. Si Yaya Moi ang personal assistant ni Piolo, at salamat sa kanya, dahil sa bawat shooting at taping ng aktor ay kumportable ito at nagagampanan ng maayos ang kanyang role dahil na rin sa tulong at pag-aasikaso ni Yaya Moi.

Sa tunay na buhay ay kilala si Yaya Moi bilang si Hatima Marcampo, at siya ay mahigit dalawang dekada ng nagtatrabaho bilang P.A ni Papa P. Maituturing na pambihira ang ganito na tumatagal at nanatili ng napakatagal sa isang amo ang isang personal assistant, kaya masasabi natin na talagang maayos ang samahan nina Yaya Moi at Papa P.

Maliban sa pagiging mabuting boss ni Papa kay Yaya Moi, ay suportado din ng aktor ang kanyang P.A ng ito ay pumasok sa showbiz. Matatandaan na ipinamalas noon ni Yaya Moi ang talent niya sa pag-arte ng siya ay mapabilang bilang cast ng pelikulang “Kimi Dora Trilogy” at “The Mommy Return” noong taong 2012.

Sa kasalukuyan din ay nanapanood sa TV5 Network si Yaya Moi sa palabas na “Ninna Nino” na pinagbibidahan ng aktres na si Maja Salvador.

Kahit naman napasabak na sa pag-arte si Yaya Moi ay hindi pa rin niya pinabayaan ang pagiging personal assistant niya kay Papa P, kung saan siya ay nanatili pa ring malapit at tapat sa aktor at sinisigurado niiyang hindi maapektuhan ng kanyang pagsabak sa pag-aartista ang magandang relasyon at samahan nila ng aktor.

Dahil sa pagiging loyal, masipag at mapagmahal na personal assistant ni Yaya Moi ay tunay namang karapat-dapat siyang parangalan, kaya naman nararapat lamang sa kanya ang tinatamasa niya ngayon na maganda at kumportableng buhay.


Source: Pixelated Planet

Post a Comment

0 Comments