Dulot ng pandemiya maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho. Maraming mga tao ang naghihikahos dahil sa pagiging mailap ng salapi sa ganitong pagkakataon.
Dahil dito marami ang mga taongnahinto sa pagtatrabaho kagaya na lamang ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa o kahit sa ibang lugar hindi pa nila magawang bumiyahe upang makarating sa lugar ng kanilang pagtatrabahuan dahil sa health protocols ng bansa. Ngunit, hindi dito nagtatapos ang pagsusumikap upang mapagtagumpayan pa rin ang nais makamit sa buhay.
Isa na rito si Drew Magana, siya ay isang dating barista ng Starbucks. Siya ay nagkaroon ng unang negosyo ngunit ito ay nagsara dahil sa dulot na krisis ng pandemiya. Napilitan noon si Drew na isara na lamang ang kanyang unang naging negosyo noong Marso dahil sa naging lockdown ng lungsod. Dahil sa naging epekto ng community lockdown walang mga tao ang lumalabas upang pumunta sa mga establisyemento.
![]()
Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa muli niyang ibinangon ang kanyang pangarap. Kaya ngayon lamang na nakalipas na Nobyembre, ay muli siyang nagbukas isang bagong Japanese style na coffee shop. Ibinahagi niya ang kanyang kwento upang maging inspirasyon sa iba na hindi dapat basta sumusuko sa kanilang mga pangarap kahit ano pa ang mangyari.
![]()
Ang kanyang Japanese style na coffee shop ay dating isang opisina. Kaya’t binuhay niya ito na maging isang coffee shop naghahain ng mga masasarap na inumin ng may variety ng kape at mayroon din itong tinapay na kasama na tamang tama na kapares ng kanilang espesyal na kape.
![]()
Ito ay tinawag niyang Typica Coffee na matatagpuan sa sa Taytay Rizal. Siya ay nakipagsapalaran muli sa pamumuhunan upang matupad lamang ang kanyang pinangarap na sariling coffee shop.
![]()
Kaya’t naging sulit ang kanyang pamumuhunan hindi lang basta sa aspeto ng pinansiyal kundi ang kanyang pangarap at pagtitiyaga.
![]()
![]()
Ayon kay Drew, gusto niyang maging isang inspirasyon siya sa kanyang kapuwa mga barista na gusto ring magkaroon ng sariling negosyo. Ang kanyang pangarap at pagsusumikap ang kanyang naging puhunan upang makabangon muli sa buhay.
Source: Pixelated Planet
0 Comments