Malapit na nga ang pagsapit ng araw ng Pasko, ilang araw na lang nga ay madadama na natin ang sayang hatid ng kapaskuhan. Isa nga ang araw na ito na itinuturing na espesyal na okasyon upang mapasaya ang mga bata. Nakaugalian na nating mga Pinoy na sa tuwing araw sa kapaskuhan, ay namamasko ang mga bata sa kani-kanilang mga ninong at ninang.
Ngunit, dahil na rin sa pandemya, ay hindi makapamasko ngayon ang mga bata. Mabuti na lamang nga at nasa mundo na tayo makabagong teknolohiya ngayon. Pero ang nakakalungkot lamang isipin, ay mga mismong magulang na ng bata ang namamasko, at kapag hindi naibigay ang gusto, ay bigla na lamang nagsasaulian ng kandila at nagkakaroon ng samaan ng loob na nauuwi sa pangba-blocked sa social media.
Isa na namang kwento ng magkumpare ang nauwi sa pangba-blocked matapos hindi makuha ang gusto para sa kanyang anak. Ito nga ang kwento ni Ninong Harry Engelo Anthony Paala na nasira ang pagkakaibigan, at pagiging magkumpare matapos umano siyang iblocked ng ama ng kanyang inaanak dahil hindi maibigay ang hinihinging isang libong piso.
Ayon kay Harry, ang halaga na kaya niyang ibigay sa inaanak ay P500 lamang, ngunit nagpupumilit ang ama nito ng P1000. Kung tutuusin ay malaking halaga na ang P500 para sa isang bata, pero hindi rito nakontento ang ama ng bata.
Nais pa ng ama na sagutin pati ang pamasahe, apat ng kasamahan nito, patungo sa bahay nila upang kunin ang pamasko.
Hindi parin tumigil sa pagpupumilit ang ama ng bata na ibigay ang P1000, dahil teacher at DJ naman raw ang trabaho ni Harry. Dagdag pa nito, ay kailangan raw ng pera lalo na’t wala nang gatas ang bata.
Hindi naman nagpatinag si Harry rito, at kanya na ngang sinabi na kasalukuyan siyang nasa Mindoro, kaya’t hindi niya maiaabot ang pera. Sa halip nga na tumigil, ay sinabi pa ng ama ng bata na ipadala na lamang sa remittance ang pera.
Ngunit, dahil nga ng kasagsagan ng sama ng panahon ay hindi parin maipadala ni Harry ang pera. Dito na nga, tila nanunumbat ang ama ng bata, at nagalit pa. Pero ang nais na P1000 ay patuloy pa rin nitong ipinilit. Sa huli nga ay sinabi nito na i-blocked na muna si Harry, at kapag naipadala na ang pera ay mag-text na lamang raw dahil ayaw umano nito ng negative vibes ngayong Pasko.
Tila sa pagdaan ng panahon, ay nakalimutan na ang papel ng mga ninong at ninang, na ang tanging dahilan kung bakit may ninong at ninang, ay sila ang tatayong pangalawang magulang na magbibigay ng payo at siyang gagabay sa kanilang mga inaanak upang lumaking mabuting tao.
Ngayon nga, ay tila nasa pera na ang responsibilidad ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak na kapag hindi naibigay ang gusto, ay nagagalit ang mga magulang.
Source: Pixelated Planet
0 Comments