Looking For Anything Specific?

Isang Pinay Care Giver Mula sa Canada, Labis ang Kaligayahan Matapos Bigyan ng Bahay ng Sikat na Singer na si Michael Buble

Tunay nga na sa buhay ay hindi natin mapanghahawakan ang dikta ng tadhana. Ngunit, sa kabila nito, ay nakakatiyak naman tayo na kapag ang isang tao ay taglay ang isang napakabuting kalooban na hanra ring tumulong sa kapwa, ay hindi inaasahan ang pagbuhos ng biyaya.

Isang Pinay care giver ang naging inspirasyon at naitampok sa isang show sa Amerika na pinamagatang “Celebrity IOU”. Ito ang kwento ni Minette na matapos ipakita ang kabutihang loob sa pag-aalaga sa lolo ng sikat na singer na si Michael Buble na si Demetrio, sa loob ng halos walang taon, ay biniyayaan ng isang napakagandang bahay sa Vancouver, Canada.




Ang mabigyan ng sariling bahay si Minette ay mismong kahilingan ni Demetrio sa kanyang apong si Michael, bago tuluyang pumanaw. At ang huling hiling nga nito, ay buong puso namang tinupad ni Michael. Ang ginawang ito ng mag-lolo, ay simbolo ng pasasalamat sa mga panahong ginugol ni Minette sa pag-aalaga nito sa matanda.

Hindi nga halos makapaniwala si Minette sa surpresang kanyang natanggap. Dahil nga sa labis na kaligayahan, ay naiyak na lamang ang Pinay care giver sa hindi inaasahang regalo sa kanya.

“It is so much, really, really so much. I have no words right now. It hasn’t sunk in yet. It’s beautiful, beautiful.”

Samantala, ibinahagi naman ni Michael na noong una raw, ay ayaw ng kanyang lolo na kumuha ng care giver upang mag-alaga sa kanya. Hanggang sa napapayag na nga ito, at maswerte naman na isang mabuting tao na tulad ni Minette ang kanilang nakita. Hindi nga nagtagal ay itinuring na parang miyembro na ng pamilya si Minette at minahal ng buong pamilya. Inilarawan naman ni Michael si Minette kung gaano ito kabuting tao.

“really compassionate, kind empathetic human being with a great sense of humor, a great zest for life, who sort of never did anything for herself.”

Ayon naman sa kwento ni Michael, ang bahay sa Vancouver na ibinigay kay Minette ay mismong lolo niya ang gumawa noong 1970 gamit ang sarili nitong mga kamay. Paglalahad pa ni Michael, ay maraming masayang ala-ala ang nabuo sa bahay na iyon, kaya naman malapit umano ito sa kanyang puso.




“The greatest moments of my life happened here. The songs I learned and the style of music I fell in love with, they all happened here.”

Umaasa naman si Michael, na malaki ang maitutulong nito kay Minette. Ipina-renovate rin ni Michael ang bahay bago tuluyang ibigay kay Minette.

“I think my grandpa would be thrilled knowing that we could maybe lessen the burden a little bit in allowing Minette to continue helping her family without it being so hard on her.”


Source: Pixelated Planet

Post a Comment

0 Comments