Looking For Anything Specific?

Mag-asawang Matanda na Kinalimutan na ng Kanilang Mga Anak nat Naninirahan na lamang sa Sira-sirang Tent

Sa reyalidad ng buhay may mga anak talagang pinababayaan na lamang ang kanilang mga magulang. Ang mga anak ang dapat nag-aalaga sa kanilang mga magulang kapag umabot na ito sa katandaan.
Narito ang nakakalungkot na kwento ng mag-asawang napabayaan na ng kanilang mga anak. Ang mag-asawang ito ay nakatira na lamang sa sira-sirang tent na kanilang naging tahanan sa matagal na panahon.




Ang mag-asawang matanda na ito ay naninirahan sa Linabuan Norte, Kalibo Aklan. Ang mag-asawang ito ay hindi na rin ganoon kalakasan ang kanilang pangangatawan. Dahil sa sila ay napabayaan na ng kanilang mga anak nagtitiis na lamang silang tumira sa sira-sirang tent.

Sa isang video post na ibinahagi ni Archie Hilario na isang Radio Anchor ang mag-asawang ito ay kanilang pinuntahan at inalaman ang tunay nilang kalagayan. Sa videong ito makikita na ang kanilang tent ay tagpi-tagpi na lamang. Ayon sa matandang babae, mayroon silang apat na anak na halos babae ang isa nilang anak na babae ay namatay na.

Samantala ang dalawa nilang anak na babae ay nasa Maynila, iyon nga lang sila ay pinabayaan na at tuluyan ng kinalimutan sa loob ng matagal na pahanon.

Ang isa naman nilang anak ay namamasukan na malapit lang di-umano sa kanilang tirahan, ngunit ito ay may pamilya na at hirap din sa buhay kung kaya’t wala rin silang nakakain sa bawat araw kung hindi sila nabibigyan ng kaniyang anak. Kaya sila na lamang mag-asawa ang namumuhay. Sa loob ng kanilang sira-sirang tent na sila natutulog at nagluluto.

Dagdag pa ni Lola, dalawa ang kaniyang anak sa Maynila ngunit wala na rin daw silang komunikasyon sa mga ito at tila talagang sila ay kinalimutan na. Kahit magpadala man lang ng sulat upang kamustahin silang mag-asawa ay wala silang natatanggap. Ngunit kahit ganoon man ang nangyari ni minsan daw ay hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa kanilang mga anak.




Ang tanging mahalaga na lamang sa kanila ay kanilang malaman kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga anak. Dahil sa naging kalagayan ng mag-asawa, naisipan ni Archie na alukin ang mag-asawa na patatayuan sila ng sarili nilang bahay kaya lang hindi nila pagmamay-ari ang lupa na kanilang tinitirahan

Sa panayam sa kanila ni Archie Hilario, ito na lamang ang tanging nasabi ni Lola ng may luha sa kaniyang mga mata,

“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami.” “Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.”

Kaya maraming mga netizens ang nakaramdam ng awa at lungkot dahil sa kanilang naging kalagayan. Kaya’t umani ito ng mga samu’t saring reaksiyon.

Leonida Manuel Barbas Torrenca – “Kahit anong hirap ng buhay dapat kailangan nating alagaan ang mga magulang natin habang silay nabubuhay…. Kami mahirap din pero d namin kayang pabayaan ang mga magulangnamin pero ngayon ang sakit sakit sakit na isiping wala na cla di pa kaming magkakapatid nagsawang alagaan at bigyan ng pangangailangan nila… Masakit mawalan ng magulang.”

Melany Madrona Di rin natin Alam ang sitwasyon ng mga anak NYa baka hirap din sa buhay. Kawawa nman si lolo at lola sana my tumulong sainyo. God bless you po!




Ukay Ukay Rah sana may tumulong n makita nila ang mga anak bka hirap din nging situation ng mga anak nila..kaya wala ring magawa para sa mga magulang.

Kahit gaano man kahirap ang buhay hindi nararapat na pinababayaan ng pamilya ang bawat isa. Dahil ang pamilya ang laging nasasandalan ng bawat isa sa kahit anumang pagsubok sa buhay.


Source: Pixelated Planet

Post a Comment

0 Comments