Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay nahihilig ng maglaro ng mga online games. Pababa na ang edad ng mga batang naglalaro ng mga online games. Kaya dumarating talaga sa puntong sila ay natutuksong gumastos para lang makapag-laro.
Kagaya na lamang ng isang batang nag-viral sa social media dahil sa kaniyang nagastos upang makapag-laro lamang online. Ang batang ito ay nakagastos ng Php40,000 para sa kaniyang mobile games online.
Ayon sa ama ng batang si Julmar Grace Locsin, ang isa sa kaniyang kambal na anak ang nakagastos di-umano ng Php40,000 sa loob lamang ng dalawang araw at ito ay hindi nila namalayan. Ayon kay Julmar, nagtaka di-umano sila kung bakit lumaki ang kanilang gastos. Kaya tiningnan nila ang kanilang bank statements upang malaman kung bakit lumaki ang kanilang ang gastos. Laking gulat na lamang nila na nabawasan ng Php40,000 ang kanilang pera sa banko. Doon na niya kinausap ang kaniyang anak kung bakit niya iginastos ang kanilang pera para lamang sa mobile games.
Ibinahagi ni Julmar na account ng kaniyang asawa ay naka-koketa sa Google Playstore dahil na rin sa nagre-renta sila ng kanilang napapanood sa Youtube. Kaya ang dating cellphone na ito ng kaniyang asawa ay ibinigay sa anak nilang kambal na Tice noong nakalipas lamang na pasko. Ito ay hinayaan nilang gamitin ng kanilang anak dahil ginagamit naman ito ng kanilang anak para sa pakikipag-communicate sa pinsan nito at upang may magamit na rin ito sa paglalaro.
Kaya ang layang ibinigay nila sa kanilang anak ay nauwi sa hindi nila namalayan na may nado-download ito na mga online games na may bayad at hindi ito sinasabi sa kanila ng kanilang anak.
Kung kaya’t nung kinausap nila ang kanilang anak, napag-alam nila na na inakala ng kanilang anak na libre ang kaniyang mga nai-download na mga laro online. Matapos nila itong kausapin, humingi naman ng paumanhin sa kaniyang nagawa ang kanilang anak.
Ika nga ni Julmar sa kaniyang post,
“THAT MOMENT WHEN OUR SON SPENT AT LEAST P40,000 ON MOBILE GAMES!!! ðŸ˜ðŸ˜…😱
Tabang Lord! Haha. So this happened to us. One of the twins unknowingly purchased mobile games and spent at least P40k in just 2 days! Good that I was able to track bank statements for our finance team today or else we could have spent more without any clue. 😅 Hubby’s account is connected with Google Play because we sometimes rent good movies on YouTube. Hubby’s old phone with the Google Play app was handed to Tice last Christmas. We allow them Super Book times, Messenger Kids with cousins and friends and War Robots. He got some spanking because he downloaded more games without asking permission. When asked after, he reasoned that the old games were too easy for him and he thought all the downloads were free. He cried a lot after we talked about it and forgave him. He was very sorry (and was too cute with those irresistible eyes). We explained that they are worth MORE THAN all the money in the world but following rules is also a good life skill to abide.
What a day! 🤣😂🤪 #parentinglife
Hindi naman masama na hayaan ang mga bata na kahit papaano ay hayaan silang maglaro lalo pa ngayon na mas nage-enjoy silang maglaro online.
Kaya lang lagi lang dapat may limitasyon ang bawat paggamit nito upang hindi rin maiuwi sa hindi magandang pangyayari ang kanilang mga ginagawa. Nararapat pa rin ang gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Source: Pixelated Planet
0 Comments