Looking For Anything Specific?

Andi Eigenmann, Pinatakam Ang Mga Followers Matapos Mamasyal At Kumain Ng Mga Paborito Niyang Street Snacks Sa Isla Ng Siargao

Sino ba naman ang hindi hahanga kay Andi Eigenman kung saan, mas pinili niya ang simpleng buhay sa isla kaysa sa kanyang matagumpay na career sa showbiz.

Si Andi ay galing sa pamilya ng mga artista at lumaki ito na tumatak sakanyang isip na dapat ay laging perpekto ang kanyang mga ginagawa upang mas bumango pa ang kanyang pangalan sa telebisyon.

Ngunit hind pala talaga ang kasikatan ang magbibigay ng totoong kasiyahan kay andi, kundi ang isang tahimik at simpleng buhay sa isla ng siargao.

Photo credits: Andi Eigenmann | Instagram 

Dahil dito ay nagagawa niya ng malaya ang kanyang gusto at naipapakita niya ang totoong kataohan niya. Naging malaki din diumano ang naitulong ng kanyang partner na si Philmar Alipayo upang marealize ni andi na may mas mahalaga pa sa kasikatan at karangyaan at ito ay ang mamuhay ng wala kang iniisip kundi ang mga bagay na magpapasaya sakanya at sa kanyang pamilya.

Photo credits: Andi Eigenmann | Instagram

Hindi din inakala ni andi na magagawa niya ung mga bagay na para sakanya dati ay imposible. Sa ngayon mas naging simple ang pamumuhay ni andi bilang isang island girl.

Mapapanood din sa kanyang youtube channel ang kanilang simpleng pamumuhay sa isla, kagaya nalang ng isang post niya kung saan ipinasyal niya ang kanyang mga taga hanga sa ilan sa mga paborito nilang local street snack sa siargao.

Sa video ay makikita na kasama niya ang kanyang mga anak at ang una nilang pinuntahan ay ang nagbebenta ng manggang hilaw.

Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube
Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube 

Sumunod naman na pinuntahan ni andi at mga anak niya ay ang sikat na nagbebenta diumano ng pandecoco sa siargao. Naging magkaibigan nadin si Andi at ang nagtitinda ng pandecoco dahil sa madalas itong bumili dito.

Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube
Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube

Kamangha mangha din si andi dahil marunong na talaga ito magsalita ng gamit na lengwahe ng siargao habang kinakausap niya ang tindera ng pandecoco.

Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube  

Pagkatapos naman ay dumeretso si andi at mga anak niya sa tabin dagat kung saan naghanap naman sila dito ng nagtitinda ng cassava chips with syrup o maskilala sa siargao sa tawag na salvaro.

Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube   
Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube   
Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube

Sunod naman na tinikman ni andi at ni Philmar ay ang famous shakoy sa siargao o maskilala sa tawag na lubid lubid dahil sa hugis nito na parang lubid, ito ay isang donut na prinito sa mantika at binubudburan ng asukal.

Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube   
Photo credits: Andi Eigenmann | Youtube  

Talagang masasabing kuntento si Andi sa kanyang simpleng pamumuhay sa siargao at hindi maikakaila na dito niya nakita ang totoong kasiyahan. Walang duda na dito na tatanda si andi.


Source: Pixelated Planet

Post a Comment

0 Comments