Looking For Anything Specific?

Ikalawang Anak ng Mag-asawang Doug at Cheska Kramer na Si Scarlett, Wagi ng Silver Medal sa Kanyang Kauna-unahang Taekwondo Sparring Tournament

Nakaka-proud para sa isang magulang kapag nakikita mo na tagumpay na nagagawa at natutupad ng iyong mga anak ang mga minimithi nila sa kanilang buhay, ito man ay kanilang pangarap o mga kinahihiligan na gawin.

Tunay namang ang suporta ng isang magulang ang isa sa mga nagpapalakas ng loob sa kanilang mga anak para sa pagtupad ng pangarap ng mga ito, kaya naman napakahalaga na palaging naka-suporta ang isang magulang sa kung anoman ang pangarap ng kanilang mga anak.




Sa mundo ng showbiz ang mag-asawang Doug at Cheska Kramer ay isa lamang sa mga magulang na talaga namang todo ag suporta na ibinibigay sa kanilang mga anak, katulad na lamang ng ibinigay nila na suporta sa ikalawang anak nila na si Scarlett sa pagkahilig nito sa isports na taekwondo.

Samantala, nito lamang nakaraan ay lumahok si Scarlett sa kanyang kauna-unahang Taekwondo sparring tournament, kung saan siya ay agad na nakasungkit ng medalya, kaya naman ang mga magulang niya na sina Doug at Cheska ay proud na proud bilang magulang.

Makikita sa Instagram page ni Doug ang naging pagbabahagi niya ng heartwarming message para sa anak niyang si Scarlett matapos ang sparring match nito.

“So, so proud of our baby doll, Scarlett! This is your first face-to-face taekwondo sparring tournament, and you got your much deserved silver medal!” saad ni Doug.

Photo credits: Cheska Kramer | IG

Pinuri din ni Doug ang taglay na fighting spirit ng kanyang anak na si Scarlett at ang pagkakaroon nito ng malakas na self-confidence.

“Scarlett, we know you struggled with your self-confidence and at times you questioned yourself if this was the sport for you. But each and every time you cried in frustration, you also came back and challenged yourself even more”, ani pa ni Doug.

Photo credits: Cheska Kramer | IG

Sa mensahe din na ito ni Doug para sa anak niyang si Scarlett ay hindi niya nakaligtaan na mag-iwan ng mensahe na maas magpapalakas at magpapatibay ng loob para sa kanyang anak.




“Keep your eagerness to improve, and learn from your mistakes. But just like everything in life, nothing really comes easy and you have to put work into it. And, when you love it, it’s worth all the tears, challenges, and all the work you put in. All because you didn’t give up! We all celebrate with you Scarlett!”, dagdag na saad pa ni Doug.

Photo credits: Cheska Kramer | IG

Photo credits: Cheska Kramer | IG

Ipinaalala din ni Doug sa huling bahagi ng kanyang mensahe para kay Scarlett na anuman ang tahakin nitong karera sa buhay ay lagi lang silang nasa tabi at nakasuporta sa anak.


Source: Pixelated Planet

Post a Comment

0 Comments